Wag masyado mag yabang. Pinanggalingan ng tao ay Lupa lang. Nagmula tayo sa alikabok at doon din tayo tutungo.
May sikat na kanta dati rati narinig ko, Tuldok ang pamagat nito. Isinasalaysay ang buhay ng tao. Kung gaano kaliit, Tuldok lng sa mundo. Dapat nga malaman ng kapwa tao upang maintindihan ang kahulogan nito. Wala pala tayong ipag mayabang dahil gaano man kasikat, o kayaman, tayo ay Tuldok lang.
Sa iba ang buhay ay matalinhaga. Sa iilan, ang buhay isang pagpa pala. Itoy isang gantimpala sa mga mapagmahal sa kapwa. May awitin akong narinig mula sa mga bata. "Bata, bata, paano ka ginawa"? Patanong na awit ng curious na mga bata. Oo nga, paano nga ba tayo ginawa? Bago pa tayo maligaw, kailangan mag balik tanaw. Silipin natin ang naka sulat ayon sa Biblia at tingnan ang pakay sa atin ng Maylikha.
Mula Sa putik tayo hinango. Nilinis at binago. Walang kasing Dakila ang pag ibig ng Dios sayo. Ang katakot takot lang noong magkamali si Eva at Adan. Ang magandang hangarin ng Dios tinakpan ng kasalanan. Kaya dahil sa pagka sala tayoy may physical na kamatayan. Ngunit gayon paman, Sa pag mamahal ng Dios tinubos parin tayo, mula sa kasalanan. Sa pamamagitan ng dugo ni JesuChristo. Nabigyang pagkakataon ang mga tao. Kaya sana naman paghirapan at tanggapin mo. Ang biyaya ng kaligtasan dulot ng kanyang pagka pako sa Cross sa kalbaryo.
Ang huling hantungan kung mamatay na tayo. Ang buong ikaw ngayon magiging katawan, kaluluwa, at espirito. Sa putik nang galing diyan din ang katawan natin babalik sa alikabok. Babalik naman sa Dios ang buhay na hiram natin na siyang ihip niyang espirito. Habang mananagot ang kaluluwa natin kung paano tayo namuhay sa mundo. Anomang Yaman mo, Di mo madala mapa langit kaman o emyerno.
Kaya wag mag iipon ng ginto o Yaman sa mundo. Ihanda ang sarili sa pag harap mo kay Kristo. Baka hindi mo na sunod ang tagubilin nito. Na mahalin ang kapwa tao at maglingkod ka sa Dios na Lumikha sayo.
Ilang biyaya na ba ang iyong natanggap?
Ang natulongan mo ba'y ilang kapwa tao?
Nasunod mo ba ang utos ng Maylikha?
Mahalin ang kapwa tulad ng sarili mo.
Higpitan ang tiwala at lumapit sa Kanya.
Gagaan ang problema pag may Dios kang Kasama.
Ilang biyaya na ba ang iyong natanggap?
Ang natulongan mo ba'y ilang kapwa tao?
Nasunod mo ba ang utos ng Maylikha?
Mahalin ang kapwa tulad ng sarili mo.
Higpitan ang tiwala at lumapit sa Kanya.
Gagaan ang problema pag may Dios kang Kasama.
Hanggang dito nalang at sana may napulot kayo. Magandang asal o kaisipang pan tao. Maging mapanuri. Maging mapagdasal. Maging mabuting Kaibigan. Maging Matino. Oo nga, Maging Matino Page e follow nyo. Para Facebook na aral pa kapwa ko.
No comments:
Post a Comment
Welcome to comment. Please use appropriate words and avoid hate speech. God bless you.