Wednesday, November 20, 2019

Sobra sa pagka talino, Nakaka bulag. DI NA NAKIKITA ANG PAGHIHIRAP NG MGA KABABAYAN.

Politiko, e consider nyo ang mga mahihirap sa batas na ginagawa nyo. 

Dear Lawmakers:

"Habang nagtatalo kayo sa naglalakihang budget ay Maraming Kapwa nating mga Pilipino ang naghihirap sa ibat ibat bahagi ng bansa. "

Kaya heto po, gumawa ako ng Open Article  para sana maunawaan ng lahat kung ano ba ang tunay na problema ng Pilipinas at ano ang pwedeng gawin para magka isa.

Mahal kong Kababayan,

Hindi naman pala mahirap ang bansa natin, napapa nood nyo naman siguro sa TV, balita, social media at kung saan pang pahayagan na pinag aawayan, kinokompara, at pinagkakagulohan lang nila ang National Budget Di ba?

Mismanagement at Self interest ang dahilan kung bakit tayo naghihirap. Ang iilan kasi sa Lawmakers natin ay mababaw ang pagiging Christian at pagiging Pilipino. Nawawala ang diwa ng pagiging "Makabayan, Maka Dios, Maka-tao" at paglilingkod sa batas. Hindi naman sa nilalahat ko po. (I don't generalised). Marami naman sa kanila (mga leaders ng bansa) ang tapat sa Mandate- at nagsusukli ng tama sa tiwala ng mga taong bomoto sa kanila. May iilan lang talaga na sobrang loyal sa partido at may balak pansarili.

Mula po sa Antas ng Mahihirap,
Ganito ang saloobin ng mga tao:
1) "Pare parehas lan yan sila." Mga corrupt din naman pag naupo na sa pwesto... Nais ko po ipa alala sa kapwa ko na baguhin natin ang pananaw. Sa nasabi ko na may mga Leaders pa rin po tayo na maganda ang hangarin at Magtiwala po tayo. Oo nga, kung kakagat ako sa ganyang linya ng opinion na magka tulad lng silang lahat maaaring dagdagan ko pa ng justification na "Kung ganon, ma's mabuti na yung NAMIMIGAY ng pera, namamahagi ng tulong kasi directang naba balik sa tao ang pera mapa galing man sa Kaban ng Governo or sariling pundo nila." Sa ganyang idiolohiya naman ay walang mkaka talo kay Sen. Manny Pacquiao kasi alam naman natin marami siyang pera pinag hirapan sa Laban sa Ring. At kay Sen. Bong Go na lagi nyo nakikita tumutolong sa mga nasunogan, nangangailangan, at may malasakit center proposal para sa kapwa. Ayaw ko ng dagdagan pa ang mga halimbawa. Focus muna tayo sa "Kung ano nga ba ang kailangan ng bansa"? Ang pag bigay pera, tulong sa nasalanta, at kawang Gawa po ay Emergency Response lamang. Ibig sabihin "pa unang lunas". First aid lng sa mga nagugutom, temporary shelter sa walang tirahan, comfort sa mga mahirap pinagdaanan. Ano nga ba ang dapat ang kailangan? Ang kailangan po ay tuloy tuloy permamenting solution. 

Ang problema po talaga ay dahil sa politika.
Basta't budget pag uusapan nasa kamay nga nila dadaan Bago ma approva. Ayon lang naman kasi sa batas natin eh. Ganyan naman pagka interpret mula sa constitution. Mas maganda sana kung malawak ang sakop at power ng NEDA. National Economic Development Authority. At saka naka departmentalized and connected sa PRC at CSC. Paano mkaka tulong sa bansa ang mga "From poor scholars", mga taong nag tapos ng Kurso kung ma pilitan lang silang mag abroad para Doon mag trabaho? Ang mga Engineers may kani kanilang Community. May Mechanical, Electrical, Civil, Agricultural, Chemical. Ano ba silbi niyan pag hindi naman na atasan at nabigyan katungkulan sa bansa Di ba wala? Sana sa halip na sobra sobra ang Power ng mga politiko ay e distribute ang roles sa PRC at CSC. Bigyan ng trabaho direct sa project para sa bayan ang mga professionals, Hindi puro naka Contract naka binded sa Immediate, specific, and connected Corporation ang proyekto. Diyan kasi nagiging corruptible (prone to corruption) ang proyekto. 

Ang kailangan po ay continuous inclusive growth. Ibig sabihin dapat ay long term po ang plano, ang budget, ang sustainability po ng economy at effecto ay dapat ramdam ng tao at kasabay ng pag lago ng economy umaangat ang buhay ng tao. Paano po maging " Inclusive " kung selective (iilang class) lang o type of business ang nakikinabang? Halimbawa, Ang Buil build Build ay malaking factor na nagpa taas ng GDP at naging driver of robust economy. Pero sana kasabay ng pag boom ng Civil/Construction industry ay hindi napapa bayaan ang Agro & Agricultural industry. Paano kaming mga magsasaka? Hihintayin ba namin na matapos ang Matagal tagal ng mga dam project bago kami Magtanim? Pa unang lunas sana ang kailangan. Mamigay ng Water pumps habang wala pa ang dam. Baka darating sa  punto na ibibinta nalang ang mga sakahan at sa halip na Agricultural Lands maging subdivision nalang lahat yan at yung Dam ay naging water source na pabor sa mga developers na mga mayayaman. Para sa taong bayan pa ba ang project dam or naging isang Masterplan nalang ng Matatalino at maimpluwensiyang businessmen?

Oo, umaangat ang economiya natin kasabay ng Loans(utang). Sana hindi mapapabayaan ang mga mahihirap na mamayan.
Di ko ikinakahiyang sabihin na mahirap lang ako. Privately employed lang at maliiit ang sweldo(sahod ko). Pero taos puso ko pong ina alala ang mga mas mahirap pa sa akin at mga palaboy, namamalimos sa kanto. Sa mga Lawmakers natin, mahiya naman kayo. UnaHin nyo naman isipin ang direct impact, ang silbi ng projects at ang mga beneficiary nito kaysa pagtalonan pa ang budget sa mahalagang proyekto. Na subukan nyo na ba hindi mka kain kahit isang araw lang dahil walang walang kayo? Pag diet, diet lang siguro alam nyo at hindi force by reality na walang bigas umaga hanggang gabi.

Sa mga kapwa ko po mahihirap, tayo tayo nalang mag tulongan. Hinihikayat ko po kayo Maki isa sa adhikain ko na buhayin ang tiwala sa kapwa at ibalik ang ugali ng mga Pilipino na matulongin at Resilient po, bumabangon kahit anong trahidya. Tulongan nyo Po ako sa simpleng bagay na may e share kayo, wag nyo sa akin ibigay kundi sa mga bat'a sa paligid at sa mga namamalimos at mahihirap sa barangay ninyo, paki bigyan nyo Po. Salamat po pag ma gagawa ninyo. 

Readers kayo na po ang umintindi.
Nadadala ako ng emosyon kaya tigilan ko na mag sulat Bago pa ako maka salita ng masakit.

Matakot kayo sa Dios. 

No comments:

Post a Comment

Welcome to comment. Please use appropriate words and avoid hate speech. God bless you.