"SAANG BANGKA KA SASAKAY"?
1) Bangka ng Nakaraan at Patutunguhan:
Sa aking kalungkotan ay Di maiiwasan
Na maalala ang Bangka ng Nakaraan.
Sa Aking Kalumbayan aking binabalikan.
Kinausap ako ng aking Nakaraan. At ang
Sinabi pa niya, "dapat ko raw siyang Balikan", Para ba Saan?
Ako nama'y Nagbalik tanaw, sa mundo ko noon'y muntik na magunaw.
Pinaalala niya na dati'y akoy isang bangka, Oo nga, ako'y BANGKA sa Karagatan,
Bangka na Lumulutang lang sa Kawalan, ngunit patuloy na nakikipag sapalaran.
Bangka na naglalakbay Pero walang tiyak na patutunguhan. Tiwala at Sipag nalang ang tanging pinanghahawakan.
Bangka ng Nakaraan ang pait balikan. Isang bangka, isang ala ala ng panahon ng buhay ko noon. Buhay na Nakikisabay lang sa Agos ng kapalaran.
Bangka ng halos malunod na sa Pagod, muntik na tumaob sa Dami ng Pagsubok.
Dahil sa Pangarap na nais na maabot, nilabanan ko ang lahat ng takot.
Sobrang nakaka pagod, Pero kailanman ay di ko nagpadaig sa takot at lungkot.
Nabalot ako ng Lungkot at Takot, ngunit Di di ako tumigil sumubok at Di nagdalawang isip pumalaot.
Yun ang Bangka ng Nakaraan, Yun ang panahon halos ayaw ko nang bumangon.
Muntik na manatili sa Pagkabaon, nang bigla May isang Kamay humila at ako'y inahon. Akoy napatanong, at Siya'y tumugon, "Ako ang iyong Panginoon".
Di kita iiwan sa lahat ng pagkakataon,
Dahil ako ang bukas, ngayon at mañanatiling tapat sa lahat ng panahon.
2) Bangka kasaganahan.
Sa bangka ng kasaganahan ika'y naka sakay. Siguradohin mong hindi ka sumablay. Sapagkat isang beses lang tayoy nabubuhay. Sayang naman pag ika'y matangay. Sa maling gawain iiwas ka nalang. Para ang buhay mo may kabulohan. Pumasok sa tamang landas at sa kasamaan ika'y iiwas. Pagkat ang bangka mo ng kasaganahan, may kakibat na gawain tungo sa kaligayahan. Obligasyon mo tumolong sa kapwang nagugutom. Sa mga nasaktan at nangangailangan. Ang bangka na iyan ay temporary lamang. Gamitin sa tama habang sakay ka pa diyan.
3) BANGKA NG SANLIBUTAN
Paano ang buhay kung dito ka naka sakay? Ano pa ba kungdi marangya na buhay. Puno ka ng pagnanais at kasakiman. Halos bilhin mo lahat ng bagay. Lahat ng Lugar gusto mo puntahan. Lahat ng tao gusto mo pag samantalahan. Sa bangka na ito tayoy mapag hangad ng mga bagay na temporary lamang. Naisip mo na ba ang kinabukasan? Kung ang kaluluwa mo alin patutunguhan? Wag ka manatili sa ganitong bangka. Bihira lng ang nkaka alala sa kapwa. Dahil dito sa pangatlong bangka, Gusto mo mag hari harian. Kaya sarili mo suriin mo nalang. Sayang bangka ka ba dalat SASAKAY, ikaw lang may Alam.
No comments:
Post a Comment
Welcome to comment. Please use appropriate words and avoid hate speech. God bless you.